THE SUPREME TEAM: Ang Mosaic ni Pope Francis ang ‘Kauna-unahang’ Catholic NFT

Translated by Arzen Ong from ‘First-ever’ Catholic NFT to be Released as Mosaic of Pope Francis published on Oct 6, 2021.

Bangkok, THAILAND – Inanunsyo ng Roman Catholic Mission of Bangkok na ang kauna-unahang opisyal na Non-Fungible Token (NFT) na na-mint ng Catholic Church ay isasapubliko ngayong linggo. Ang NFT ay nasa anyo ng photo mosaic sa imahe ni Pope Francis.

“Gumagamit ng teknolohiya ang kabataan ngayon, hindi lang para sa praktikal na gamit, kundi maging sa kanilang pananampalatay ay personalidad.” ang sabi ni Francis X. Cardinal Kriengsak Kovithavanij, ang Archbishop ng Bangkok.

Ang NFT na nilikha ay isang 149-megapixels na photo mosaic sa imahe ni Pope Francis, sa kanyang Holy Father’s Apostolic Visit sa Thailand noong Nobyembre 2019.

Ang photo mosaic ay binubuo ng 350 iba’t ibang larawan ka kuha ng liCAS.news mula sa nasabing pagbisita na nagrerepresenta din ng 350th arrival anniversary ng katolisismo sa Kaharian ng Thailand.

“Maigi naming pinili ang mga larawan na bubuo sa mosaic mula sa libo-libong larawan mula nakaraang pagbisita ng Santo Papa na nakunan ng LiCAS.news” ang saad ni Nattha Nuchsuwan, ang Marketing Director ng LiCAS.news at ng English language social communications arm of the Roman Catholic Mission of Bangkok.

Dagdag pa dito, ang layunin ng NFT-mosaic ay siguraduhin at pag-ibayuhin ang presensya ng Roman Catholic Mission of Bangkok sa mga online communities sa buong mundo.

“Umaasa kami na ang bawat larawan dito ay maipapakita ang kagalakan at debosyon ng Thailand sa pagdating ng Santo Papa.” dagdag pa ni Nuchsuwan.

Ilalabas ang NFT na ito sa Kalamint.io, isa itong NFT Marketplace na nilikha sa energy efficient na Tezos Blockchain. Ang NFT-mosaic na ito ay inaasahang magbubukas ng bagong paraan upang mapalapit ang Roman Catholic Mission of Bangkok sa kanilang komunidad at sa buong mundo.

“Ikinagagalak namin na gamitin ang environmentally-friendly na Tezos blockchain technology sa Kalamint sa pag drop ng aming NFT.” wika ni Dr. Peter Monthieveichienchai, siya ang Technical lead ng proyekto at ang Executive Director ng LiCAS.news.

Malapit ng ilabas ang NFT-mosaic na ito sa Kalamint, ang nangungnang sa Clean NFT movement at ang unang marketplace sa Tezos, isang ‘Liquid Proof of Stake (POS)’ na blockchain na epektibong nagkukumpirma ng mga transaksyon habang gumagamit lamang ng maliit na enerhiya.

“Lubos kaming nagagalak na pinili ng Roman Catholic Mission of Bangkok ang Kalamint at makibahagi sa ideya na ang mga buong ekonomiya ng NFT ay maaaring patakbuhin gamit ang sustainable na enerhiya sa masinop na paraan. Ang aming layunin ay masiguro ang mga mga art na nilikha sa aming platform ay mapapanatili ng matagal na panahon. Ang makasaysayang obra na ito na na-mint ng Simbahangh Katoliko ang nagsisilbing kumpirmasyon na tinatahak ng ating platform ang tamang landas.” Ito ang nabangit ng Kalamint Chief Executiv Officer(CEO) na si Chris Deschenes.

Kilala ang Kalamint bilang natatanging NFT marketplace na hindi nag ii-store ng NFT data sa kanilang mga pribadong servers at naka-pokus sa legacy ng kanilang mga art.

Ang 100% ng lahat ng kikitain sa audition ng NFT-mosaic na ito direktang mapupunta sa ‘Communita Incontro School.’ Isa itong 17 taong primary old school na nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga mahihirap na kabataan sa Pathum Thani, Thailand, habang ang mga magulang naman nila ay ginagamot sa kalapit na rehabilitation center (na may kaparehas na pangalan) para sa kanilang drug addiction.

Ang lahat ng kikitain dito ay may malaking maitutulong sa nasabing paaralan bilang suporta sa mga kabataan at ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan katulad ng damit, pagkain, at school supplies.

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Ang Mosaic ni Pope Francis ang ‘Kauna-unahang’ Catholic NFT

The post Ang Mosaic ni Pope Francis ang ‘Kauna-unahang’ Catholic NFT appeared first on BitPinas.


Submit a Comment

Your email address will not be published.

Shopping cart
There are no products in the cart!
Continue shopping
0