THE SUPREME TEAM: Cryptoday 050 – Narito na ang AXS Staking (Tagalog)

Inilunsad na ng SkyMavis kahapon ang kanilang matagal ng hinihintay na AXS staking feature, at dahil medyo kakaiba ang buhay sa crypto, sabay akong sinuwerte at minalas sa loob ng isang araw. Suwerte dahil nakabili ako ng maraming AXS kanina sa halagang $69, ilang oras lang bago mag ‘pump’ ang presyo nito. Pero minalas din dahil nag set-up ako kaagad ng yield farm sa sushi.com ng hindi nalalaman na magbubukas na pala ang ‘Internal Staking’ ng Axie Infinity mismo. Kaya kinailangan ko na naman na bumili ng maraming AXS para makasabay sa pag-stake. Kaya lang, sa pagkakataong ito ay kinailangan kong bumili sa presyong $75. Hayaan na natin. Minsan talaga mahirap ang ‘timing’ ng mga ganitong bagay.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

AXS Staking

Gaya ng ibang staking programs, layunin ng AXS staking na bawasan ang mga AXS tokens sa merkado, na siya ngayong magsisilbing simula ng pagbaba ng bilang ng AXS sa sirkulasyon upang magabayan ang halaga nito sa dapat nitong tahakin. 

At bakit mo naman gugustuhin mag-’stake’ ng iyong AXS? 

Ang mga ‘stakers’ ay makakatangap ng pabuya sa paglalagak ng kanilang AXS tokens, na naka detalye ng mas klaro dito. Nakakakita na ako ng mga maagang kalkulasyon na nagsasabing maaaring tumaas ng hanggang 80% ang annual rate sa pag stake ng AXS, pero makakakita tayo ng mas tumpak na detalye kapag nagsimula na ang pagbibigay nila ng pabuya para sa kanilang staking sa kauna-unahang pagkakataon, mga ilang oras pa mula ngayon.

AXS Airdrop

Kasabay ng anunsyong ito tungkol sa staking, ang SkyMavis ay nag-airdrop din ng 800,000 AXS ($60M) sa mga naunang player na aktibo na simula bago pa mag-Oktubre 26,2020. Kung wala ang staking tool, ang biglaang paglabas ng ganito kadaming AXS sa merkado ay tiyak na magpapababa sa halaga nito. Pero dahil nga sabay silang inanunsyo, ang presyo ng AXS ay nanatiling malakas sa halagang $70.

CurioCards

Ang CurioCards auction sa Christie’s ay magaganap ngayon gabi, 9:30PM Manila time, at makikilahok ang inyong lingkod kasama ang iba pang orihinal na artists nito sa isang Twitterspace hangout hangang 9PM mamayang gabi. Maari mong basahin ang karagdagang detalye tungkol sa auction sa aking nakaraang newsletter, pero ang pangunahing balita dito ay — ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang art ng isang Pinoy artist ay mao-auction sa Christie’s New York, at maaari pang maging kaunaunahang Filipino art na mai-auction sa buong New York City mismo. Susubukan nating makakuha ng restream na magaganap sa Facebook upang mapanood din ito ng ibang tao, pero kung hindi ito posible, sundan nyo lamang ako sa aking Twitter accounts na @helloluis at @myCurioCards. Agad nyo ditong makikita ang Space Notification mamaya.

Editor’s Note: The CurioCards collection got sold for 320 ETH worth $1M

Featured CPAG Artist – Nathalie Osma

Ang ating featured CPAG artist ngayong araw ay si Nathalie Osma.

Una kong nakita ang napakagandang painting niya sa Facebook ilang linggo na ang nakakaraan, at nagulat ako ng aking malaman a kaka-labing siyam (19) na taon nya lamang ngayong taon. Noong ako ay 19 pa lamang, ginugugol ko ang aking oras sa pag-aaral ng mga program web apps para sa PHP at JS imbes na pagpokusan ko ang aking art school education. Sa tingin ko ay bumalik din ako sa aking pinagmulan ng dahil dito sa art guild.

Cryptoday #50

Hindi ako lubos makapaniwala na ito ay ang aking pang-limampung Cryptoday Newsletter, at marahil, ang aking huli na rin hanggang sa susunod na Biyernes, Oktubre 8th. 

Lilipat ako sa once-a-week at every-Friday format upang mabigyan ko ang aking pagsulat ng mas maraming oras at atensyon na kinakailangan nito. Kung ako ay inyong sinusundan sa mga social media sites, mapapansin nyo na tambak na ang aking mga gawain mula sa YGG, sa CPAG, sa AxieArchipelago.org, sa Cryptoday at sa apat na NFT art collaboration na kasalukuyang nasa iba’t ibang stage ng produksyon. Kailangan kong bawasan ang aking oras sa isa sa mga ito upang maiwasan ang burnout. Kung sinusundan mo ako sa aking Facebook o Twitter, regular mong makikita ang mga updates sa mga proyektong ito (kasama na rin ang mga bagong proyektong hindi ko pa mai-anunsyo sa ngayon!) Pero ang mga post na iyon ay mas-magiging ‘real time’ at hindi sa schedule na M-W-F.

Kita kita ulit tayo sa susunod na Biyernes, mga ka-krypto! Stay safe at maging maganda sana ang inyong weekends!

Ang translated article na ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 050 – Narito na ang AXS Staking (Tagalog)

The post Cryptoday 050 – Narito na ang AXS Staking (Tagalog) appeared first on BitPinas.


Submit a Comment

Your email address will not be published.

Shopping cart
There are no products in the cart!
Continue shopping
0