CryptoFly.us | CRYPTOCURRENCY BITCOIN SHIRTS CLOTHING APPAREL HATS

CRYPTO NEWS

Cryptoday 053 – Ang Aking Saloobin Tungkol sa Ronin DEX

Sa nakaraang October Update na inilabas ng Sky Mavis, nagpahiwatig sila na mayroon ng internal target launch date ang matagal ng inaabangan na Ronin DEX. Hindi pa nila sinabi kung kailan ang eksaktong araw ng launch pero kung sanay ka nasa mundo ng crypto, alam mo na malapit-lapit na ang release nito. Maraming naniniwala na ang paglabas ng Ronin DEX ang syang magpapasimula ng muling pagtaas ng halaga ng SLP.  Ating pag usapan sa newsletter na ito ang aking saloobin tungkol sa magiging epekto nito sa merkado at sa komunidad ng Axie Infinity.

This opinion article translated into Tagalog by Arzen Ong of BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.

Ano ang Ronin Dex?

Pero bago tayo magpatuloy, ano ba muna ang Ronin DEX? Ang Sky Mavis ay kasalukuyang gumagawa ng isang espesyal na decentralized exchange sa loob mismo ng Ronin network. Magbibigay kakayahan ito sa  mga players na makapag-convert ng kanilang SLP upang maging AXS, WETH, o kahit ano pang ibang crypto, ng hindi nangangailangan na lumabas ng Ronin network. At dahil isa itong DEX, magkakaroon sila ng mataas na pangangailangan para sa mga Liquidity Providers (LP) na magpapahiram ng kanilang tokens kapalit ng earnings mula sa trading fees. At kahit na malamang ay libre (o mababang-mababa) ang network fees sa loob ng Ronin network, mayroon paring makakalap na network fees dito mula sa ‘spread’ o ‘exchange loss’ kada transaksyon. Laging nangyayari to sa lahat ng gumaganang DEX. (Asahan na ang mga fees na ito ay laging paring mas mababa sa 1% sa kabuuang halaga ng transaksyon.)

Kailangan ba ang Ronin Dex?

Kinakailangan ba talaga ito ng komunidad? Interesante ang kasagutan sa tanong na ito sapagkat maraming bagay na ang nagbago makalipas ang ilang buwan matapos unang i-anunsyo ng Sky Mavis na maglalabas sila ng sarili nilang DEX. 

Sa palagay ko ay wala itong magiging malaking epekto sa isang average na Axie player dahil hindi parin naman nila maaaring ipalit ang kanilang SLP dito upang maging peso o fiat papunta sa kanilang banko o Gcash account. Ang mga ganitong klaseng conversion ay nasa teritoryo parin ng mga centralized at fiat-based na exchanges… sa ngayon. Ang pinaka madalas na paraan para sa isang average Pinoy Axie player, na mai-convert ang kanyang SLP, ay sa paglalagay nito sa kanyang personal na Binance account. (Nagsimulang tumangap ang Binance ng Ronin-based na deposit nitong nakaraang Setyembre lamang.) Kapag ang kanilang SLP ay nasa Binance na, maaari na silang magtungo sa Binanace P2P marketplace at ibenta ang kanilang SLP sa mga lokal na vendor upang matangap ang kanilang peso sa kanilang bank account o sa kanilang mobile wallet. Lumabas man ang Ronin DEX ay walang mababago sa prosesong ito..

Lumalabas na mas kapakipakinabang ang Ronin DEX para sa mga Guild investors, managers o para sa mga indibidwal na kumikita ng SLP pero hindi nagmamadaling ipalit kaagad ang kanilang kita sa Peso

Dito sa Cryptopop Art Guild, excited na akong magamit ang DEX upang mai-convert ang SLP shares ng mga investors, upang maging AXS makapag ‘staking’ at kumita ng 100% APR. Dahil ang earnings ng aming mga investors ay ibinibiggay lang kada quarter end ng taon, ginagamit natin ang mahabang oras nito upang makakuha ng staking rewards. Ang prosesong aking sinusundan sa ngayon ay, una, kinakailangan kong ilagay sa Binance ang kinita naming SLP. Pagkatapos ay ipapalit ko ito sa USDT (0.1% trading fee). Pagkatapos ay mula USDT papuntang AXS (dagdag 0.1% trading fee), tapos ay ibabalik ko ang AXS pabalik sa Ronin. Tsaka ko palang ito maaaring i-stake. Inaaasahan ko na paglabas ng Ronin DEX, mapapababa natin ang limang (5) hakbank na prosesong ito pababa ng dalawang (2) hakbang na lamang. 

Iba pang gamit ng Ronin Dex

May mga iba pa bang posibleng gamit ang Ronin DEX? Oo naman. Pero ang mga ito ay nakadepende sa kung ano anong ibang crypto ang unang susuportahan nito. Magiging napaka epektibo kung magkakaroon ng option kung saan maari mong ipalit kaagad ang iyong SLP sa ibang stablecoin gaya ng DAI, o Wrapped YGG, o iba pang DeFI tokens ng mas malakas na ecosystem gaya ng COMP o AAVE. 

Ang pagbibigay ng mas maraming access sa iba’t ibang klase ng tokens ang magpapapanalo sa DEX na ito. Ang kada crypto na maidadagdag sa DEX ay dagdag oportunidad din para sa mga Liquidity Providers na nais magbigay suporta sa mga trading activities ng DEX. Karamihan sa aking personal na ETH at YGG tokens ay kasalukuyang naka-’stake’ sa SushiSwap Liquidity Pool na kasalukuyang matatag ang APR sa 50%. Kung sakaling maging available ito sa Ronin DEX, siguradong lilipat ako dito. Hindi na kailangan pag isipan pa.

Crypto Market Update

Maganda ang kalagayan ng malalaking crypto ngayong linggo. Pinangungunahan ito ng Bitcoin na kasakuluyang nakabalik na sa $60k. Sunod naman ang Ethereum na sinusubukan na makabalik sa $4k. Pero ang crypto na kasalukuyan akong naka-pokus ngayon ay sa $BNB. HIndi dahil sa may malaking posisyon ako dito, kung hindi dahil sa hindi ko nagustuhan ang kanilang ginagawang mga hakbang upang maging pampubliko (at patuloy na dumako sa mundo ng mga regulated na exchanges). Dalawang linggo na ang nakaraan ng ibenta ko ang lahat ng $BNB ko sa halagang $430, at ngayon ay umabot na ang presyo nito sa $468. Siguro ay iba ang pananaw ng merkado sa akin. (Nagkamali ba ako ng hinala dito? Possible, pero nagamit ko naman ang pinagbentahan ko nito upang bumili ng $AXS sa halagang $75 at ngayon ay halos dumoble na ang presyo nito sa kaparehas na panahon.)

Featured CPAG Artist

Ang featured CPAG artist ngayong araw ay walang iba kundi si Tricia Ann Dela Pena. Tunay na kamangha-mangha ang kanyang minimalist na digital watercolor illustration. Saktong sakto lang ang kanyang maaliwalas na obra para sa Biyernes na umaga na ito. Sa Lunas ng gabi, ang Cryptopop Art Guid ay magho-host ng kanyang kauna-unahang Guild Call, at magli-livestream tayo ng bandang alas otso (8:00PM) ng gabi sa https://fb.com/cryptopop. Bilang host ng event na ito, tatalakayin natin ang kasalukuyang paglalakbay ng CPAG at pati narin ang ating mga plano sa hinaharap. Sasamahan din tayo ng aking malapit na kaibigan, at isa ring CPAG investor, na si Caroline Dy, at magbibigay sya ng kauna unahang mentoring session sa ikalawang bahagi ng programa.

Magkita-kita ulit tayo sa susunod na linggo mga ka-crypto!

Ang artikulong ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 053 – Ang Aking Saloobin Tungkol sa Ronin DEX

The post Cryptoday 053 – Ang Aking Saloobin Tungkol sa Ronin DEX appeared first on BitPinas.

Cryptoday 053 – Ang Aking Saloobin Tungkol sa Ronin DEX

Shopping cart
There are no products in the cart!
Continue shopping
0