THE SUPREME TEAM: Non Fungible Tokens – NFT 101 (Art at Digital Items) (Tagalog Guide)

Translated by Arzen Ong from Non-Fungible Tokens – NFT 101 – Why People are Spending Millions of Dollars for Crypto Art and Digital Items published last March 2021.

Ang artikulong ito ay nagbibigay ng pangkalahatang pag kilatis sa mga Non-fungible tokens o NFT’s – mula sa mga games, sa art, at maging sa metaverse. Ang mga susunod na artikulo tatalakayin natin ang mga indibidwal na NFT platforms at kategorya, at maging ang NFT phenomenon sa Pilipinas.

Ang Una kong pag pasok sa mundong ng NFT

Noong 2019, una kong nabalitaan ang tungkol sa NBA Top Shot, isa itong blockchain-based na platform kung saan ang mga users nito ay bumili at magbenta ng mga ‘NBA moments’. Para itong mga NBA cards pero isang buong ‘game highlight’ sa NBA ang nakapaloob dito. (Isang halimbawa ay si Luka Doncic ay nag assist para sa dunk ni LeBron James.)

Matagal tagal na din akong naka rehistro sa Top Shot bago ko tuluyang subukan ngayong taon. Naunahan pa nga ako ng isa sa mga kakilala ko sa industriya na pasukin ito. Bumili sya ng isang pack sa halagang 9$. Matapos nya itong buksan ay nakapag benta sya ng ilang “player moments” sa halagang 100$ hangang 500$. Ang mga presyo na ito ay nakasalalay sa kung gaano kapopular ang player, at sa serial number na nakalagay sa mga nakuha mong ‘moments’. Muli, ang mga ‘moments’ ay kahalintulad ng mga NBA cards pero digital ang mga ito at naglalaman ng isang buong video clip.

  • Ang ‘Moment’ ay ang NBA player card
  • Ang mga ‘Moment’ at may Serial Number. Mas malapit sa 1 ang number, mas mataas ang presyo.

Ang Axie Infinity naman ay una kong nabalitaan noong 2018, mas marami akong nalaman tungkol dito noong 2020, at nalaman ko din na maraming tao ang naglalaro nito upang kumita ng pera at makatawid sa kasalukuyang mababang bilang ng trabahong matatagpuan dahil sa pandemic. Kailangan lang bumili / magkaroon ang isang player ng 3 Axie – at walang dalawang Axie ang lubusang magkapareho – at maglalaro ka lang para manalo sa mga laban. Ito ang pinaka-simpleng depinisyon ng gameplay ng Axie Infinity. Sa hinaharap ay magdadagdag din sila ng gameplay na may kinalaman sa ‘lands’ o virtual real estate.

Noon sinulat ko ang artikulong ito, madali lang para sa isang player ang kumita ng 400 pesos kada araw sa paglalaro ng Axie Infinity. At dahil may totoong pera na maaaring kitain sa larong ito, ang mga magandang breed ng Axie ay may mataas na presyo din. Walang dalawang Axie ang lubusang magkapareho. Ang mga pinakamahirap makuhang Axie – yung tinatawag na mga ‘Mystic Axie”- ito narin ay dahil sila ay may mga ‘Mystic’ na parte na wala sa normal na mga Axie, ay naibibenta para sa milyon milyong dolyar na halaga ng ETH.

Ang Digital Artist na si ‘Beeple,’  na sikat sa kanyang paglikha ng isang digital na obra kasa araw, ay naging parte ng kasaysayan kamakailan dahil ang isa sa kanyang mga gawa ay nai-’auction’ sa Christie’s, ang pinakatanyag na auction house na matatagpuan sa New York at London na itinatag noon pang 1766. Ito ang unang pagkakataon na ang maalamat na auction house ay nagtampok ng isang digital piece na art na walang pisikal na representasyon. Noong Marso 1, ng 2021, ang pinakamataas na bid para sa dito ay umabot ng $3 milyong dolyar. May nagsabi sa akin noon na pagdating sa pagiging lehitimo, wala ng mas hihigit pa sa Christie’s.

Ang isang video na nagpapakita ng pag ‘dunk’ ni LeBron James ay maaari mo na idownload mula sa internet at i-save sa iyong koleksyon ng walang bayad. Kahalintulad nito, maaari din akong magdownload ng mga images mula sa internet at i-save ito sa aking smartphone. Kung pamilyar ka sa video game na Pokemon, maaari ka ding makipagtrade ng pokemon sa laro sa kaibigan mo. Lahat ito ay maaari mong magawa sa legal (o hindi) na paraan.

Kung ang nasa itaas ay totoo, sa paanong paraan naibi-benta ng libolibo ang NBA Top Shot, ang Axie Infinity, at pati na rin Digital Art, kung ang lahat ng mga ito ay digital file lamang? Ang sagot dito, mga mambabasa, ay dahil sa pagiging ‘non-fungible’ ng mga ito.

Anong Fungi? Ano ba ang mga NFT?

Non – Hindi

Fungible – Maaaring Palitan

Ang mga Non-Fungible Tokens o NFT, ay mga indibidwal at natatangi, subalit madaling makilala na uri ng digital item na maaaring magrepresenta sa mga sumusunod na halimbawa: 

  • Isang digital art ng isang artist sa Rarible o Makersplace
  • Isa virtual real estate sa loob ng ‘The Sandbox’, Decentraland, o Axie Infinity
  • Isang in-game na Axie sa Axie Infinity
  • Isang digital na Football card na matatagpuan sa Sorare
  • Isang ‘moment’ sa kasaysayan ng NBA na may katumbas na NBA Top Shot

Ang mga NFT ay natatangi

Dahil ang mga NFT ay natatangi, walag dalawang NFT ang magkatulad. Sa Axie Infinity, walang dalawang Axie ang magkatulad kahit magkaparehas pa ang kanilang moveset.

Sa NBA Top Shot, ang isang ‘moment’ (parang NBA card) ay mayroong magkakaibang ‘serial number’. Tignan nyo ang halimbawa na ito na isang dunk ni Zion Williamson. Mas mababa ang serial number, mas mataas ang presyo nito. Walang dalawang Zion Williamson ‘moments’ ang magkapareho. May mga pagkakataon din na mas mahal ang ‘moment’ kapag katugma ng serial number nito ang ‘jersey number’ ng naka-highlight na player.

Dahil ito ay non-fungible, madali mapatunayan ang ‘provenance’ nito. Ibig sabihin ay madali mong matukoy kung sino ang kasalukuyang nagmamay ari nito, kung sino ang nag issue ng NFT, at marami pang iba, 

Si Luis Buenaventura, ang artist sa likod ng ‘CryptoPOP!’ ay nagbebenta ng kanyang DIgital Art sa MakersPlace. Kapag may bumili ng kanyang art, kagaya ni Justin dito, mayroong patunay kung sino ang bumili ng art at kung sino ang may likha nito.

Kalaunan, kung mag desisyon si Justin na ibenta ang art na ito sa iba pang kolektor, halimbawa ay si Michael, alam ng bibili na ang art ay gawa talaga ni Luis dahil mayroong ‘art history’ na maaaring masundan sa blockchain.

Ang ibig sabihin nito ay maaaring mong ma-trace ang pinagmulan ng isang NFT, kaya naman madali para sa may ari nito na ito ay ibenta.

Kung sakali na si Luis ay ang magiging susunod na ‘Juan Luna’ o ‘Amorsolo’ sa taong 2030, Si Michael, na kasalukuyang may hawak ng kanyang art, ay madaling mapapatunayan na talagang nasa kanya ang unang gawa ni Luis, na siya namang magpapataas ng presyo nito.

Katulad din ito ng nangyayari sa NBA Top Shot, kung si Giannis Antetoukounmpo (ang aking personal na paboritong manlalaro) ay nag desisyon na  bumili ng kanyang sariling ‘moment’, at kalaunan ay nag desisyon syang ibenta ito, halimbawa lang, dito kay Justin. Kapag ito ay ibinenta ni Justin kay Michael. At pagkatapos ay naibenta pa ito ng paulit ulit hanggang sa umabot kay John. Magiging madaling mapatunayan na ang ‘moment’ na ito ay dating naging pag aari ni Giannis mismo gamit ang blockchain. Ito rin ang magiging dahilan kung bakit tataas ang halaga ng ‘moment’ na ito. Kahit pa hindi ganoon ka baba ang ‘serial number’ nito at hindi din ganoon ka espesyal ang mga numero. Ang patunay na minsan itong naging pag aari ng isang 2time MVP ang magpapataas ng presyo nito.

Binibigyang solusyon ng NFT ang problem ng mga Digital Files na kung saan ay kahit na sino ay maaaring gumawa ng kopya ng isang file ng kahit ilang beses. Sa NFT, hindi ko maaaring basta na lang kopyahin ng isang art na likha ni Luis at ibenta ito. Sabi nga ni Ollie Leech ng Coindesk: “[Dahil sa NFT], Nagiging walang saysay ang pag gawa at pagkopya ng mga pekeng collectible dahil ang mga tunay lang ang maaari mong matrace sa orihinal na gumawa.”

Nangagahulugan din ito na ang mga NFT ay kapakipakinabag din sa mga video games, arts, at iba pang bagay sa collectible space.

Ang mga NFT ay maaaring ibenta

Magkano naman nabebenta ang isang NFT?

Ang isang ”Land” o virtual real estate sa Axie infinity ay nabenta ng $1.5 Million.

Sa Nifty Gateway, ilang araw bago itampok ang likha ni Beeple sa Christie’s, ang kanyang limbad na “CROSSROADS” ay nabili sa halagang $6.6 Million.

Sa Rarible naman, Si Mark Cuban, isa sa mga Shark Tank judges at kasalukuyang nagmamay-ari ng Dallas Mavericks, ay nag ‘mint’ at nagbenta ng kanyang NFT na “The RollUP 2021” na may 10 editions, kung saan makikita syang nakasuot ng Tshirt ng Mavs (Disclaimer: ang may akda nito ay fan ni Nowitzki). Kung iyong titignan ang history ng kanyang NFT, makikita mo dito kung magkano ang paunang presyo nito simula ng ibenta ito ni Mark, hanggang sa kanyang kasalukuyang presyo at mga alok.

Sa MakersPlace, ang likha ni Luis Buenaventura na may pangalang “$50,000 Endgame” ay naibenta sa halagang 15 ETH. Katumbas ito ng halagang $15,771 noong panahon ng pagsulat ng artikulong ito.

Sa NBA Top Shot naman, ang LeBron James ‘moment’ na ito ay naibenta sa halagang $208,000.

Si Elle, isa ring kakilala sa industriya, ang isa sa mga bumili ng “First Drop” ni Beeple sa Nifty Gateway. Binili din ni Elle ang isa pang gawa ni Beeple na “Into the Ether” Edition No. 22/207 sa halagang $969.

Ang Edition No. 21 ng “Into the Ether” ay naibenta sa halagang $50,000.

Ang Filipino artist naman na si AJ Dimarucot, na gumagawa ng designs para sa mga brands gaya ng NBA, ay nakapagbenta ng kanyang unang set ng NFT’s sa halagang 4.69 ETH.

Market Overview

Ano ang kasalukuyang NFT market overview?

(March 2021 data)

Ilang stats mula sa NonFungible.com mula sa nakaraang 30 araw sa pagkakasulat ng artikulong ito:

  • Bilang ng sales: 111,155
  • Volume sa USD: $178,738,548
  • Average na Presyo: $1,608

Stats (All time)

  • Bilang ng sales: 5,341,753
  • Volume sa USD: $354,889,005
  • Average na Presyo: $66.44

Stats (All time – Art)

  • Bilang ng sales: 111,517
  • Volume sa USD: $92,230,066
  • Average na Presyo: $827.06

Stats (All time – Games)

  • Bilang ng sales: 1,693,560
  • Volume sa USD: $37,774,705
  • Average na Presyo: $22.30

Bilang halimbawa ng kasalukuyan nitong paglaki, tignan natin ang mga detalye tungkol sa Axie Infinitie’s Market participants and current holders:

Mga Institusyong bumibili ng NFT’s

Sino ang bumibili ng mga ito?

Ang Delphi Digital, isa sa mga pinakamahusay na crypto market research firm, ay gumastos ng halagang $159,000 sa pagbili ng limang ‘Mystic Axies’ sa Axie Infinity.

“Habang patuloy ang pagsikat ng laro, patuloy din ang pagtaas ng halaga ng mga NFT dahil na rin sa kanilang rarity at utility.” ang sabi ni Medio Demarco, ang co-founder ng Delphi Digital, sa kanyang panayam sa Decrypt.

Si Mark Cuban ay kasalukuyang nag mi-’mint’ (gumagawa), bumibili, at nagbebenta ng iba’t ibang klaseng NFT sa marketplace. Bumibili din sya ng ‘moments’ ng kanyang team sa NBA Top Shots. 

Naniniwala din kami na maraming mayaman na mga tao ang kasalukuyang nag bi-bid sa mga Art ni Beeple sa Christie’s

Ang Venture Capitalist na si Chamath Palihapitiya ay nagsabi din na kasalukuyan siyang nag lilikom ng malaking bilang ng NFT collection na .malapit ng i-publicize ng kanyang kumpanya.

Bakit may halaga ang mga NFT’s?

Bago pa ang mga NFT’s, ang mga digital file, maging ito man ay image o music, ay napakadaling kopyahin online. Kung ako man ay kumuha ng larawan nito o di naman ay mag save ng kopya nito sa aking kompyuter, agad ng nakopya ang digital file na ito.

Kung i-screenshot ko man ang likha ni Luis na “$50,000 Endgame” o ang gawa ni Beeple na “Into the Ether”, parehas silang NFT. Magkakaroon nga ako ng kopya nila pero wala akong sapat na dokumento at katibayan ng pagaari nila. Dahil dito ay hindi ko din sila mabebenta dahil napakadali lamang silipin ng kahit na sino ang mga transakyong naka record sa blockchain na nagpapakita na hindi ako ang may ari ng orihinal na likha. Ang tanging paraan upang maging may ari ng NFT ay sa pagbili nito sa marketplace, kung saan ang mga transaksyon ay nakarecord sa blockchain. Isa itong pampublikong record ng pagaari upang madaling makasiguro ang mga tao sa provenance at authenticity nito.

Ng dahil sa NFT ay naging posible din na ang orihinal na may likha ng NFT ay makatangap ng porsyento ng benta ng kanyang likha sa tuwing ito ay maibebenta at magpapalit ng may ari. Kaya naman sa tuwing maibebenta ang mga NFT na likha ni Mark Cuban, nakatatangap sya ng porsyento ng pinagbentahan nito. 

Sa kanyang paraan, nagawa din ng NFT na gawing mahirap makuha at naging mas mahalaga ang mga digital art. Nagawa din ng NFT na mas maraming digital assets ang maibenta at mabili tulad na lamang ng mga virtual real estate, in-game items, at video game characters, creatures, o anumang uri ng digital object na maaaring makolekta.

Madalas akong makatangap na tanong tulad ng “bakit gugustuhin ng mga tao na bumili ng ‘moment’ ng NBA Top Shot?”. Napagtanto ko na ang kagustuhan makuha ang pag-aari ng isang digital collectible ay parehas lang sa pisikal na collectible. Isa rin itong quote ni Mark Cuban:

Base na din sa kasalukuyang presyo ng mga NFT sa merkado. Hindi na dapat pang itanong kung bakit may halaga ang mga NFT. Lalo na kung ang mga ito ay may presyo na.

Ang Yield Guild Games, isang play-to-earn na guild, ay bumili ng 88 plots ng virtual real estate (land) sa Axie Infinity sa halagang $76,000. Sa isang post ng Medium, and Yield Guild Games ay  naniniwala na may malaking pondo ng cryptocurrency na AXS (na may halagang $1.6 sa panahon ng aking pagsulat) ay maibabahagi sa nakapalibot na lugar ng mga virtual estate na ito.

Ang mga NFT na land ay binibili dahil sa magiging gamit nito sa hinaharap (at dahil na din sa pabuya na AXS base narin sa gameplay).

Nag anunsyo din ang YGG na sila ay nakalikom ng $1.325 Milyon mula sa seed round sa pangunguna nga Delphi Digital. Gagamitin ito upang makabili pa ng mas maraming yield generating na NFT’s, kagaya ng mas marami pang lands sa Axie Infinity. Ang YGG ngayon ay kumikilos bilang isang decentralized autonomous organization (DAO), at magpapagamit nitong mga virtual assets na ito sa kanilang mga players para makapag generate sila ng income.

Ngayon taon lang, si Justin Roland, ang lumikha ng Rick and Morty, ay nakapagbenta ng kanyang NFT art na pinamagatang “The best I can do” sa halagang $1.65 Million sa Nifty Gateway. Ang art nito ay mukhang doodle sa isang post-it note.

Si Gabby Dizon ng Yield Guild Games, na isa ring crypto art collector, ay nagsabi na ang pagkakabenta nito ng ng $1.65 Million ay hindi na dapat kinukwestiyon. Nangyayari ito, hindi lamang sa crypto art, kundi sa pangkalahatang art world.

“Ang layon ng art na ito ay mang gulat, at ito ay base sa dalawang aspeto:”

  1. Sino ba ang nagbebenta?
  2. Sino ang may likha nito? Kung hindi si Justin Roland ang gumawa nito ay sabihin na nating ako lang ang gumawa, hindi ako aasang magiging kapareho ang halaga nya sa merkado. 

“MIstulang tinatanong ka nito kung ano ba talaga ang art? Dahil ito ay isang NFT ay nasa loob ng blockchain, nakasisiguro ka na may pruweba na si Justin Roland talaga ang may likha nito. Isang bagay nagbibigay ng halaga sa art na ito.”

Gabay sa pagsisimula

Madaliang pagsisimula sa NFT

Ang pinakamagandang paraan para maunawaan ng NFT ay kung ikaw mismo ay makakapag interact dito. Ito ay ilan sa mga bagay na maaari mong simulan at gawin. HIndi mo rin sila kailangang gawin lahat, iyon lamang mga bagay na pumupukaw ng iyong interes.Tandaan mo din na wag ilaan ang lahat ng iyong pera dito. Magpasok ka lamang ng halaga na kumportable ka.

  1. Pumunta ka sa NBA Top Shot, magparehistro, at bumili ka ng iyong unang NBA ‘moment’.
  2. Pumunta ka ng MakerSpace. Bumili ka ng iyong unang crypto art.

Ang mga nasa itaas ay hindi nangangailangan ng paggamit ng cryptocurrency o ng MetaMask, mga apps na madalas na gamitin sa mga aktibidad ng NFT. Pero kung marunong ka namang gumamit ng MetaMask:

  1. Pumunta ka sa marketplace.axieinfinity.com, bumili ka ng 3 Axie. (Ito ang pinaka kailangan upang makapag simula kang maglaro ng Axie Infinity.) 
  2. Pumunta kasa Rarible. Bumili ka ng iyong unang crypto art.

Sa mga susunod na artikulo, maaari nating pag usapan kung paano magsimula sa mga ibang ibang NFT, tulad nalang ng kung paano mag-mint ng iyong unang collectible sa Rarible, at mga kagaya nito.

Maari ko pang i-display ang aking mga NFT’s?

Kung ang mga NFT mo man ay iyong binili o ikaw mismo ang may gawa, maaari mong i-display ang mga ito upang makita ng maraming tao. At hindi lang ito sa pagsi-share sa Twitter. 

Ang ilang platforms, gaya ng NBA Top Shot, ay may mga page na nagpapakita ng lahat ng iyong nakolektang ‘moments’. At oo, ito ay maisend mo gamit ang isang link.

May mga apps din na gaya ng Rainbow.me na idinisensyo upang mai-display ng mga users nito ang art na kanilang nakolekta. Maaari mong ikonekta dito ang address ng iyong mga NFT art na nasa OpenSea at Rarible. Maaari mong makita dito lahat ng iyong NFT properties maging ito man ay NFT art o Axie. 

Pero para sa mga tunay na seryoso, maaari kang gumawa ng virtual galleries sa virtual real estate na maaari mong mabili sa Decentraland, isa itong metaverse (kung napanood mo na pelikulang Ready Player One, kaparehas nya ito. Isa itong virtual world na maaari mong gawin ang lahat ng gusto mo). Ang Narra Gallery ay isang open gallery space sa Decentraland. Isa itong space para sa Crypto Art at iba pang NFT projects.

Mga importanteng babasahin:

  1. Colin Goltra’s Speculations blog, isang resource upang mas lubos mong maintindihan ang crypto art  Magsimula dito.
  2. Mark Cuban’s “The Store of Value Generation is Kicking Your Ass and You Don’t Even Know it“
  3. OpenSea’s the NFT Bible.

Ang article na ito ay nailathala sa BitPinas: Non Fungible Tokens – NFT 101 (Art at Digital Items) (Tagalog Guide)

The post Non Fungible Tokens – NFT 101 (Art at Digital Items) (Tagalog Guide) appeared first on BitPinas.


Submit a Comment

Your email address will not be published.

Shopping cart
There are no products in the cart!
Continue shopping
0