CryptoFly.us | CRYPTOCURRENCY BITCOIN SHIRTS CLOTHING APPAREL HATS

CRYPTO NEWS

Paano Bumili at Magbenta ng CELO at cUSD sa mga Lokal na Exchanges sa Pilipinas

Translated by Arzen Ong from How to Buy and Sell Celo and cUSD on Local Exchanges in the Philippines published on Feb. 9, 2021.

Pebrero 9, 2021 – Ang ‘innovation arm’ ng Celo Foundation na cLabs, ay nag-anunsyo na ang kanilang CELO at Celo Dollars (cUSD) tokens ay maaari ng maitrade sa BloomX at mililista na rin sa lokal na exchange na CoexStar, dalawa sa lisensyadong virtual asset service provider sa Pilipinas. Kinumpirma ng cLabs dito sa atin sa BitPinas na ang kanilang tokens na CELO at cUSD ay maililista sa isa pang lokal na exchange sa unang bahagi ng 2021.

Tungkol sa Celo

Ang Celo ay isang blockchain-based na platform na ang layunin ay gawing accessible ang mga financial tools para sa mga gumagamit ng mobile phones. Ang cUSD ay isang stablecoin na nakatali ang halaga sa US Dollar, ginagamit ito para sa mas mabilis at mas murang pag transfer ng pera. Ang CELO naman ang nagsisilbing utility o governance token na mayroong fixed supply lamang. 

Sa tulong na rin ng mga investors tulad ng PolyChain Capital at Andreesen Holowitz, ang misyon ng Celo ay bigyan kakayahan ang mga taong walang bank account na magkaroon ng maaasahan at murang paraan ng pagpapadala ng pera at remittance. Dahil sa isinagawa nilang pilot-testing sa Pilipinas, mabilis na nalaman ng Celo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng blockchain based na mobile app (ngayon ay tinatawag ng Valora) na madaling magamit kahit na sa mga simpleng smartphone lamang. Kinumpirma ng pilot testing na ito na mayroong tumatangkilik sa Celo bilang isang remittance solution. Para mapalawak ang kanilang serbisyo, nag onboard na rin ng mga bagong partners ang Celo tulad ng ‘Beam and Go’ at ng 7-Eleven  para sa kanilang gift cards.

Ito rin ang nagtulak sa Celo na magpalista sa ilan sa mga lokal an exchanges – upang mas mapadali ang pag access sa ecosystem ng kanilang cryptocurrency na cUSD at CELO. Sa kanyang panayam dito sa BitPinas, sinabi ni Eric Cristobal, ang Ecosystem Lead ng cLabs, na ang Pilipinas na ang nagiging pinaka malakas na komunidad ng Celo, at ang pagtulong sa mga OFW na magpadala ng remittance papunta sa ating bansa ay ang ating paraan upang tulungan ang mga Pilipino na nasa abroad. “Ang pagkakalista ng CELO at Celo Dollars (cUSD) sa mga lokal at lisensyadong exchanges ang magbibigay ng mas maraming paraan para sa mga Pilipino na makapag padala ng Bank Transfers, remittance center pick up, at e-wallet transfers.

Reaksyon mula sa mga lokal an exchanges.

Ang CELO at cUSD ay maaaring mabili sa BloomX direct trading services na madaling ma access sa Facebook Messenger. Kahit sino ay maaari na ngayong bumili ng mga tokens na ito sa BloomX at ang kailangan lang ay isang Government ID. Ayon kay Luis Buenaventura, ang Chief Strategy Officer ng BloomX, ang layunin ng Celo foundation na makapagtatag ng cryptocurrency na magagamit para sa pangkalahatang ‘Financial Inclusion’ ay kahalintulad din ng misyon ng BloomX. “Matagal na kaming naniniwala na mayroon talagang malaking puwang para sa innovation at optimization pagdating sa money transfers at remittance sa ating bansa.”, pahayag ni Luis.

Ayon sa CoexStar Official, ang kanilang pakikipagtulungan sa Celo ay resulta ng patuloy na paglaki ng industriya ng Virtual Assets sa Pilipinas kahit na tayo ay kasalukuyang nasa gitna ng pandemya. “Haharapin ng CoexStar at Celo ang hamon ng paghanap nga pinakamagandang solusyung pinansyal para sa lahat ng antas ng pamumuhay at ang Pilipinas ang isa sa mga bansang tunay na makikinabang dito.”

Paano bumili at magbenta ng CELO at cUSD gamit ang BloomX.

Ang lahat ng gustong bumili at magbenta ng mga tokens na ito ay maaaring magtungo sa Facebook page ng BloomX at magtanong sa kanila sa pamamagitan ng messenger. Walang minimum o maximum na amount ang kinalakialangan subalit kailangan mo ng isang government ID para dito. 

Paano magbenta ng CELO at cUSD sa BloomX

  1. Pumunta sa Facebook page ng BloomX.
  2. Mag send ng PM na nagsasabing gusto mong magbenta ng CELO o cUSD.
  3. Hintayin ang reply ng Bloomx ay ibibigay nila sa iyo ang kasalukuyang ‘rates’ ng mga ito.
  4. Kung nais mong magpatuloy, magbibigay ang BloomX sa iyo ng address kung saan mo maaaring ipadala ang iyong CELO o cUSD.
  5. Matatanggap mo naman ang iyong kabayaran sa GCash, Paymaya, o sa iyong bank account.

Paano bumili ng CELO at cUSD sa BloomX

  1. Pumunta sa Facebook page ng BloomX.
  2. Mag send ng PM na nagsasabing gusto mong magbenta ng CELO o cUSD.
  3. Hintayin ang reply ng Bloomx ay ibibigay nila sa iyo ang kasalukuyang ‘rates’ ng mga ito.
  4. Kung nais mong magpatuloy, hihingin ng BloomX ang iyong Celo Mobile number mula sa iyong Valora App, maaari ka ding gumamit ng ibang wallet address kung saan mo nais matanggap ang iyong bibilhing tokens.
  5. Kapag naipadala mo na ang bayad, agad mo ring matatanggap ang iyong biniling CELO o cUSD sa iyong Valora app o wallet.

Paano bumili at magbenta ng CELO at cUSD gamit ang CoexStar Exchange.

Kung mayroon ka ng karanasan na bumili ng cryptocurrency sa isang exchange, halos ganyan din ang proseso ng pagbili ng CELO at cUSD gamit ang CoexStar Exchange.Ang kagandahan nito ay ang pagiging lisensyadong VASP ng CoexStar, dahil dito ay maaari kang bumili direkta gamit ang iyong lokal na pera (peso).

  1. Mag sign up sa CoexStar.
  2. Maglagay ng Pondo.
  3. Hanapin ang ‘Trading Pair’ na CELO/PHP o cUSD/PHP
  4. Ipagpatuloy ang pagpapalit ng iyong Peso (PHP) para sa CELO o sa cUSD.

Saan mo maaaring gamitin ang CELO at cUSD.

Maaari mong gamitin ang mga tokens na ito sa loob ng Valora App, Narito ang mga maaari mong gawin.

  1. Makilahok sa mga Celo Rewards program*.
  2. Bumili sa mga ‘beam and go’ na partner merchants*.
  3. Magpadala ng pera sa iyong mga kaibigan, kakilala, at mga mahal sa buhay.
  4. Mag cash out gamit ang ‘Gift Cards’ mula sa mga partnet na shops nito tulad ng 7-Eleven, OTTO Shoes, Landmark, at Zalora. (narito ang listahan ng mga gift cards)

Celo Rewards Program

Ang mga users nito ay maaari ding makakuha ng monthly rewards kapag nag tabi sila ng Celo Dollars sa kanilang Valora app.

  • $1 na halaga ng CELO kapag ikaw ay nagtago ng $20 cUSD.
  • $5 na halaga ng CELO kapag ikaw ay nagtago ng $100 cUSD.
  • $10 na halaga ng CELO kapag ikaw ay nagtago ng $500 cUSD.

Listahan ng mga Merchants na tumatanggap ng cUSD.

Upang magamit nyo ang inyong cUSD sa mga Stores na nakalista sa baba, kinakailangan ninyong bumili ng voucher sa mga ‘Beam and Go’ microsite, na maaaccess nyo sa Valora app dito.

(Inupdate noong Pebrero 8,2021)

National Capital Region:

  • Super 8
  • Generika Drugstore
  • All Day Evia

Cebu

  • Prince Hypermart
  • Gaisano
  • SM Seaside

Upang makumpirma ang kanilang lokasyon, bisitahin ang listahan ng mga partner merchants ng Celo dito.

Dahil na rin sa accessibility ng CELO at cUSD tokens sa lokal na exchanges, mas simple na ngayon ang proseso ng pagkakaroon ng mga ito at hindi mo na kailangan pa na dumaan sa mga internasyonal na mga exchanges. Nais ng cLabs na bumilis pa lalo ang adoption ng Valora App sa Pilipinas kaya naman patuloy ang pagdagdag nila ng bagong partner merchants na popular sa masa.

Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Paano Bumili at Magbenta ng CELO at cUSD sa mga Lokal na Exchanges sa Pilipinas

The post Paano Bumili at Magbenta ng CELO at cUSD sa mga Lokal na Exchanges sa Pilipinas appeared first on BitPinas.

Paano Bumili at Magbenta ng CELO at cUSD sa mga Lokal na Exchanges sa Pilipinas

Shopping cart
There are no products in the cart!
Continue shopping
0